Tuesday, July 17, 2007

Philippine Fiesta at Yoyogi Park,Tokyo:Kabanata2

Ito ang jogging area. Kinunan ko ng larawan ang mga kabataang galing sa TODAI [TOkyo University] sa kanilang jogging sa loob ng Yoyogi Park. Maganda ang lugar dahil sa lawak nito at sa mga punong naglalakihan doon.

Malinis na hangin at malamig kung tag-init.
Alaga rin ang kanyang mga facilities kaya masasabing
maayos at maganda.

Maulan nga lang noong araw na nandoon ako,
kaya medyo malabo ang mga larawan.






Center Stage. Habang nagsasayaw ang isang grupo ng mga dancers na nagpamalas ng kanilang galing sa Indak-Pinoy.



Isang hilera ng mga booths, Mga pagkaing Pinoy at serbisyong para sa Pinoy gaya ng telephone cards, PAL, Long Distance Call services, GMA, ABS=CBN TV, at Balikbayan boxes ang may mga outlet doon.



Meron din ang mga Ulam:Bopis, Ihaw-ihaw,
Lechong Paksiw, BBQ, Dinuguan, atbp. Ang dami ring kakanin: Pichi-pichi, Guinatan, Puto, Banana Q at kung anu-ano pa. Nakabili ako ng Pichi-pichi dahil medyo hindi ko ito magawa dito, dahil sa kakulangan ng mabibilihan ng niyog kung saan ako nakatira. Nadala ko pang pasalubong para kay Lolo ang Pichi-pichi.

Hindi nga lang makakakain kasi maulan at walang lugar na puwedeng kainan ng mga bisita. Karamihan ay nakatayo at hawak pa ang kani-kanilang payong! Mahirap para sa akin, dahil nga sa mga dala-dalahan ko. Mahirap namang ibaba at baka mabasa lahat. Hindi tuloy ako makakain kaya bumili na lang ako ng kakanin at sa bahay na lang ako kumain.

Hindi kasi ako puwede sa ganyang madaliang kainan, eh. Kailangan sa akin, nakapuwesto talaga.


Sana naman, sa susunod, isipin naman ng mga namamahala ang mga pangangailangan nang hindi parang bitin.

Isang araw lang ako sa Fiesta na ito. Maulan kasi, kaya naglibot na lang ako ng mga shops sa kalapit na Harajuku. Naglibot din ako sa Shinjuku at Shinagawa. Masarap sana kung may kasama ka. Masarap amglibot kung may kausap. Hindi mo mamamalayan ang paglalakad.

~oo00oo~

No comments: