Friday, April 11, 2008

TAWA TAYM!=Ikalawang Yugto

************




HOLDAPER: "Pili ka, wallet mo, o pasabugin ko utak mo?"

BIKTIMA: "Bahala ka dyan.....basta pareho lang yan,
parehong walang laman!"





************




MISIS: "Ba't ngayon ka lang?"

MISTER: "Pashensya na ha? Nagyaya mga opishmeyt ko,
nagkainuman lang...hehe..hik*

MISIS: "Lasing ka, no?"

MISTER:
"Akoh? Lasheng? Shinoh me shabeh? Hindi noh!"

MISIS: "Anong hindi? Wala ka namang trabaho,
pa'no ka magkaka-opismeyt? Tado!"





************




JUN-JUN:
"Inay! Alam mo, ako lang ang nakasagot sa titser kanina!"

NANAY: "Very Good! Ano ba ang tanong ng titser mo ha?"

JUN-JUN: "Sino ang walang assignment?"




*************




TITSER: "Ano ang hugis ng mundo?"

JUAN: "Kuwadrado po, Ma'am!"

TITSER: "Mga bata, bilog talaga ang mundo!"

JUAN: "
Pero Ma'am, sabi po ng Lolo ko, narating na niya ang
apat na sulok ng mundo.
Eh, may sulok po ba ang bilog?"


************


BOSS asks his sexy secretary to a dinner after overtime:
"Are you free tonight?"

SEXY SECRETARY replies: "Sir ha, ...h'wag naman FREE.
Bibigyan na lang kita ng discount."


************


ELISEO: "Sobra na talaga ang katangahan ng kumare mo!
Ang akala niya ang LAWSUIT eh uniporme ng pulis."

JOSHUA: "Sus! Tanga nga! Eh 'di ba uniporme ng abogado yun?"


*************


HOST: "Ano po ang maipaglilingkod namin sa inyo?"

TANDA: "Puwede po bang manawagan?"

HOST: "Bakit, ilang taon na po ba kayo?"

TANDA:
" 98 years old na po."

HOST: "Wow! Ang tanda na po pala ninyo....
O sige po, manawagan na po kayo."

TANDA: "Itay! Umuwi na po kayo! Hindi na galit si Lolo sa inyo!"



************


Namatay ang isang mister na babaero.
Sa Rewuiem Mass, sabi ng PARI patungkol sa namatay:
"A family man, an honest man, a good man...."

Binulungan ng BIYUDA ang panganay na anak:
"Anak, pakisilip nga ang kabaong kung Daddy mo talaga ang nasa loob!"


************






No comments: