Tuesday, May 29, 2007

A-HE-HE!


******


Bisita:
"Tatang, naiinom ho ba ang tubig dito?"
Tatang: "Nasa sa iyo yan, Anak. Bakit, gusto mong nguyain?"

******

Sa isang Mall:

Mommy: "Anak, hwag kang bibitaw sa palda ko, para hindi ka mawala."
Anak: "Opo!"

Makalipas ang 2 oras:

Mommy: "Mmang sikyo, may nakita ba kayong bata na may dalang palda?"


******

Namatay ang isang mister na babaero.
Sa Requiem Mass, sabi ng Pari, patungkol sa namatay:

"An honest, good man, a loving husband, and a great father...."
ad infintum....
Binulungan ng biyuda ang panganay na anak:
"Pakisilip nga ang kabaong kung Daddy mo ang nasa loob!"

******

Ayon sa Banal na Aklat,
Kapitulo Kuwatro Kantos,
Beriskulo Emperador hanggang Red Horse:
"Ang taong hindi sumunod sa tamang daan.....

.........lasing!"

******

Pinagsabihan ng Doktor ang Tabatsoy na pasyente ng ganito:
"Mula ngayon, ang puwede mo lang kainin eh
mga hayop na lumalangoy!"

Pagkalipas ng isang linggo, tinawagan ng Doktor ang pasyente.
Ang tsimay ang sumagot sa telepono.
Inusisa ng doktor kung nasaan ang pasyente.
Sagot ng tsimay:
"Nasa swimming pool po; tinuturuang lumangoy ang baboy!"

******

Usapan ng dalawang baliw:
Baliw#1: "Kanina pa nakadapo sa iyo ang lamok, bakit hindi mo patayin?"
Baliw#2: Hinihintay kong mabusog, saka ko hahabulin, para magka-appendicitis!"


******

Misis: "Ngayong hiwalay na tayo, kukunin ko na ang mga bata. Mahal na mahal ko sila!"
Mister: "Sige, bahala ka!...Pero iiwan mo ang yaya nila. Mahal na mahal ko siya!"

******

Ma'am: "Inday, buti na lang, bumaba ang water bill natin."
Inday: "Opo, kasi, sumsabay na pong maligo si Sir sa akin.
Pinapatay na rin niya ang ilaw `pag tumatabi siya sa akin
para bumaba rin daw ang kuryente."

******

Ma'am: "Inday, pumunta kas a botika. Ibili mo si Sir ng Viagra, 100mg.
Inday: "Sa iyo gagamitin ni Sir, ano Ma'am?"
Ma'am: "Bakit mo nasabi yan?"
Inday: "Pag sa akin kasi, ang iniinom ni Sir, Extra Joss lang!"

******

Inday: "Ma'am, magpapaalam na po ako. Uuwi na po ako sa probinsiya."
Ma'am: "Nagpaalam ka na ba sa Sir mo?"
Inday: "Nauna na po siya. Doon na raw po kami magkikita."

******

USAPAN ng Dalawang mayabang:

Tomas: "Ang galing ng aso ko! Tuwing umaga, dala nya ang diyaryo sa akin!"
Diego: "Alam ko."
Tomas: "Ha!? Paano mo nalaman?"
Diego: "Ikinukuwento sa akin ng aso ko."

******
Boy Meets Girl

Girl: "If we get married, stop smoking!"
Boy: "Okay."
Girl: "Drinking, too!"
Boy: "Okay."
Girl: "And going to the club at night."
Boy: "Yes."
Girl: "What else can you stop?"
Boy: "The idea of marrying you!"

******

Jinggoy: "Dad, hindi kita madadalaw ngayon. May urine test ako bukas."
Erap: "Okey lang, anak. Mag-aral kang mabuti, ha?"

******

Ahe-he!
Ye-ye-ye-yeh!
*
*








No comments: